The half of my day
Wala akong tulog ngayong araw kasi nahirapan ako magsleep. Dumating pa yung ate(hannah) ko around 2am. Grabe! Ang ingay niya! Kaya nagising ako.Na-curious ako sa kwentuhan nila ni ate corinth e. It’s about a big rat in my ate hannah’s bag. Ayon, gumising na ako at tinanong kung gano kalaki yung daga.AHAHA! Syempre nagkwentuhan na kami kasi minsan nalang umuwi un. Masaya ako kapag andito si ate hannah. Kumpleto kasi kami at wala ng mas sasaya dun. Mga 4am sinubukan ko matulog. Sa awa ni God nakatulog naman ako. 6am na ulit ako nagising kasi 8am pasok ko. Nag tumblr ako sandali at kumain ng breakfast. Coffee and bread. Nakakasawa nanga e. Oh Well! Nagready na ako for school then nagjeep at nagpunta na ng STI!
Isa lang subject namin ngayong araw,CULART. 8-11 un. So ayun. Napansin ko lang ah, everytime ako pumapasok ng school laging may nakatingin sakin. hindi ako nagffeelig pero iba lang yung pag titig nila sakin. AHAHA! Nalaman ko yung isang classmate ko e christian din and sa same church kami nagchchurch. Natuwa talaga ako e. So nagusap kami about sa church. ONE FRIEND DOWN! Gusto ko lang maging friendly ngayon para mas madali ako makapag share ng Gospel(I wanna serve God through sharing his word and by helping others to be saved.) ni God and para happy lahat.HIHI!
May activity pala kami! My classmates and I should act in front, like a mini skit, then show these different cooking procedures. Buti nalang last kami kasi mahaba- haba yung sasabihin ko. Kinakabahan talaga ako nun. Uo nga may band ako and nag tutugtog kami sa mga bars, pero iba parin yung feeling kung yung gagawin mo e hindi mo forte. Tulad ko, ang pagbabasa ay hindi ko hilig gawin, lalo na kung maraming tao ang makikinig sakin. So nagpatawa nalang ako sa harap nung turn na ng group namin. “PALAKPAKAN!” ang unang sinabi ko at sunod naman ang lahat. So nawala ng onti ang aking kaba, then tinapos ko din ang aking pagpapapansin sa harap with “PALAKPAKAN!”.. GV na agad tingin nila sakin at maraming natuwa.AHAHA! So naglecture na yung teacher. May mga videos siya na pinalabas about cooking. Unti unti akong nagutom nun.HIHI!
May pogi nga pala akong classmate. Kamukha ni Aljur Abrenica. Hindi ko siya crush pero ubod lang siya ng kapogian. Nakakatuwa lang..HIHI! Hindi pa niya ako kinakausap. Siguro mayabang siya? EWAN! Basta hindi ako ang unang kakausap sakanya! Mapride?AHAHA! Hindi joke lang! Let’s see nalang kung ano pa pwedeng mangyari. First week palang naman ito e.
Mga 10:30am nakauwi na ako. Naabutan ko pa si ate hannah! Ang saya lang! Mahal ko yun e. Lalo na ngayon na mas kailangan niya kaming kapamilya niya sa tabi niya.
Ang buhay kasi hindi natin talaga masasabi e.Hindi natin alam kung kelan dadating ang prublema. Ang importante lang e dapat sama-sama ang lahat at magtulungan sa hirap at ginhawa.
*Started the day right and should end it right*